-- ADVERTISEMENT --

CEBU CiTY – Limang indibidwal ang nasawi habang 15 ang sugatan sa naganap na multi-vehicular incident sa Barangay Lawaan 3 sa Talisay City, Cebu kaninang umaaga araw ng Biyernes, Disyembre 3, 2021.

Pasado alas-10 ng umaga nang mangyari ang aksidente na kinasangkutan 14 na sasakyan kabilang ang dalawang dumptruck, anim na sasakyang apat four-wheeled, apat motorsiklo, bisikleta at tricycle.

Apat na lalaki na driver umano at isang babae ang idineklarang dead on the spot at kinilala na silang Benchin Udtohan, ligal ang edad,taga Zamboanga del Sur , suspek at driver ng dumptruck; Jose Wendel Cataquez, 66 anyos; Paquito San Pedro, 29 anyos; Glenn Baclay, 24 anyos; Nelo Pasa Rublica, 35 anyos ug wala pa mailhi ang babae nga namatay.

Kritikal ang kondisyon ng isang driver at isinugod na sa ospital.

Dinala rin sa ospital ang iba pang nasugatang pasahero, sibilyan, at mga driver.

-- ADVERTISEMENT --

Isa pang sibilyan ang nasugatan sa banggaan na naglalakad lang sa bangketa.

Sa isang CCTV Footage na kuha ng Barangay Lawaan III syudad nga Talisay , makikita na mabilis ang pagtakbo ng pulang dumptruck at parang nawalan ito nang brake dahilan na inararo nito ang mga naunang sasakyan.

Nabatid na nangyari ang aksidente dahil sa salpukan ng dalawang dump truck sa Natalio Bacalso Highway lampas sa Mananga Bridge habang patungo sa katimugang bahagi ng Cebu.