-- ADVERTISEMENT --

Inalis na ni Cebu Provincial Governor Pamela “Pam” Baricuatro ang “meat import ban” sa lalawigan ng Cebu.

Ito ay ayon sa kanyang pahayag sa isang press conference sa Cebu Capitol noong Huwebes, Hulyo 3, 2025.

Ito ang kautusan ng gobernador na tugunan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong karne sa pamilihan ng lalawigan lalo na sa mga pangunahing bayan at lungsod.

Ayon kay Baricuatro na maaari nang makapasok sa hurisdiksyon ng lalawigan ng Cebu ang mga livestock products mula sa mga karatig lalawigan gaya ng Negros Oriental dahil mababa na ang panganib ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan.

Matatandaang noong nakaraang administrasyon ni dating Cebu Governor Gwendolyn Garcia, ipinag-utos nito ang pagbabawal sa mga produktong karne kasunod ng mataas na kaso ng ASF na naranasan sa buong lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --