SOUTH BUTON, INDONESIA- Natagpuan sa loob ng tiyan ng walong metrong haba ng sawa, ang bangkay ng isang 63-anyos na magsasaka, na naiulat na nawawala mula sa Batauga Subdistrict, South Buton Distirct, Southeast Sulawesi, nitong Sabado 2:30 p.m. local time, Hulyo 5, 2025.
Kinilala ang magsasaka sa pangalang LN, mula sa Majapahit Village sa Batauga Subdistrict, SouthButon (Southeast Sulawesi), nawawala noong Biyernes ng umaga habang nagtatrabaho sa kanyang taniman.
Ang kanyang motorsiklo ay natuklasang nakaparada sa malapit, na nag-udyok sa isang paghahanap sa komunidad.
Noong Sabado, bandang 2:30 p.m. lokal na oras, nakita ng mga taganayon ang isang hindi pangkaraniwang bloated na 8(walong)‑metro na sawa sa lugar.
Naghinala silang nakalunok ito ng isang bagay na hindi pangkaraniwang malaki, kung kaya’t pinatay ang ahas, at pinutol ito, dito nakita nila ang katawan ni LN sa loob isang malungkot at bihirang pangyayari sa rehiyon.
Kinumpirma ni Laode Risawal, pinuno ng emergency at logistics sa disaster management agency ng South Buton, na ito ang unang naitalang kaso sa distrito ng isang residenteng nilamon ng sawa.
Gayunpaman, ang mga nakikitang malalaking ahas ay tumaas nitong mga nakaraang buwan, lalo na sa panahon ng tag-ulan, habang ang mga sawa ay pumapasok upang manghuli ng mga hayop.
Ang mga reticulated python (Malayopython reticulatus) ay native sa Timog-silangang Asya at kilala bilang pinakamahabang ahas sa mundo.
Bagama’t bihira, ang mga pag-atake sa mga tao ay naitala, ang Indonesia ay may kasaysayan ng mga kalunos-lunos na insidente ng ganitong kalikasan: halimbawa, noong kalagitnaan ng 2024, dalawang babaeng nasa hustong gulang ang natagpuan sa loob ng mga sawa sa South Sulawesi.
Ang isang katulad na kaso ay pinakaunang naiulat noong 2017 sa West Sulawesi, kung saan ang biktima ay isang nasa hustong gulang na lalaki.