-- ADVERTISEMENT --

CENTRAL VISAYAS- Ipinagmamalaki ng Police Regional Office 7 (PRO7) ang isang makabuluhang tagumpay sa kaligtasan ng publiko, na nag-uulat ng 14.12% na pagbaba sa kabuuang mga krimen sa Central Visayas sa unang kalahati ng 2025.

Mula Enero hanggang Hunyo 2025, may kabuuang 10,477 krimen ang naitala sa rehiyon, nasa 1,723 mas kaunting insidente kumpara sa 12,200 na kaso na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ang datos, mula sa Philippine National Police Crime Information Reporting and Analysis System (PNP CIRAS), ay nagbigay-diin sa mga pagbaba sa ilang pangunahing kategorya ng krimen tulad ng theft, robbery, at homicide, na bumaba nang malaki o nasa 30.95%, mula sa 1,635 noong 2024 hanggang 1,129 noong 2025.

Kung saan, ang kapansin-pansing pagbaba ng robbery, at homicide ay bumaba ng 30.95%, mula sa 1,635 noong 2024 hanggang 1,129 noong 2025. (-37.5%), (-42.77%), at panggagahasa (-23.92%).

Iniugnay ni PBGen Redrico A. Maranan, Regional Director ng PRO7, ang kahanga-hangang pagbawas sa krimen sa dedikasyon ng mga tauhan ng pulisya, ang estratehikong paggamit ng intelligence-led policing, at ang aktibong kooperasyon ng mga komunidad at mga lokal na stakeholder.

-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin niya na ang tagumpay ay suportado ng mga proactive policing strategies, teknolohiya-driven na mga interbensyon gamit ang data analytics, pagtaas ng foot at mobile patrols, at ang nakikitang deployment ng mga pulis sa mga lugar na may mataas na priyoridad.

Dagdag pa nito na ang kanilang kampanya, naka-angkla sa tatlong pangunahing haligi ni PNP Chief PGen Nicolas D. Torre III, ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at pakikipagtulungan sa local mga government units, civic organizations at sa publiko.