Nakilala na ng mga awtoridad ng pulisya ang salarin sa likod ng isang kakilakilabot na krimen ng pagpatay kay Estela Ligaray, 44-anyos, biktima ng pagsakal sa loob ng simbahan ng San Fernando El Rey, Liloan, Cebu, na ilang araw pa bago nalaman ang tunay na pagkakakilanlan ng biktima.
Kinumpirma ni Police Chief Master Sgt. Armi Goc-ong na ang sangkot sa insidente ay mismong asawa ni Estela, at nakilala sa pangalang Ronnie Guinocor Ligaray, 40-anyos, at residente ng Brgy. Adela, bayan ng Poro, Isla ng Camotes.
Gayunpaman, ayon sa pahayag ni Police Chief Master Sgt. Arni Goc-ong, kahit na natukoy na ang suspek sa pagpatay kay Estela, nananatili itong malaya sa kanyang pananagutan sa batas.
Sa eksklusibong pakikipanayam ng Bombo Radyo Cebu team kay Goc-ong, isinalaysay niya na hindi pa nadadakip si Ronnie, kaya umabot sila sa iba’t ibang lugar tulad ng Tabuelan, Cebu, Lapu-Lapu City, at Consoclasion, mga lugar na may koneksyon at natagpuan ang mga kamag-anak ng suspek.
Dagdag pa ni Goc-ong, nakumpirma nila ang pinagmulan ng pangyayari at nalaman ang pagkakakilanlan ng mag-asawa, dahil mismong ang anak ng biktima ang nagsabing sangkot ang kanyang sariling mga magulang sa pangyayari.
Dagdag pa niya, ayon sa anak, nag-aaway na ang kanyang mga magulang sa umaga ng araw na iyon, at nilinaw din na si Ronnie ay may problema rin sa kanyang pag-iisip mula nang mahuli ito noong buwan ng Agosto sa kasong Violence Against Women and Children (VAWC), kaya’t mula nang mangyari iyon, madalas na itong nag-iisip nang malalim, at tulala na tila wala sa sarili.
Kaugnay nito, ayon kay Goc-ong, patuloy pa rin ang panawagan ng Liloan Municipal Police Station sa publiko na kung sakaling may makakita sa suspek, ipagbigay-alam agad sa kanilang tanggapan upang mapabilis ang pagkakadakip sa suspek.











