CEBU CITY- Ibinida ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang flagship travel trade exchange o TRAVEX 2026, kung saan tinipon ang 271 na mamimili mula sa limampung bansa sa buong mundo, 124 na sellers at 222 exhibitors sa bagong gawang Mactan Expo Center sa Lapu-Lapu City, Cebu.
Sa opisyal na pagbubukas kasama ni Frasco sina Minister of Tourism of Indonesia Widiyanti Putri Wardhana, ASEAN Tourism Association President Eddy Krismeidi, Tourism Promotions Board COO, Maria Margarita Montemayor Nograles, representatives from ASEAN member states, local officials, and dignitaries, na lahat ay nagkakaisa sa pamamagitan ng isang ibinahaging pananaw sa rehiyon upang itaguyod ang ASEAN bilang isang pinag-isang destinasyon ng turismo.
Itinatampok ng tatlong-araw na TRAVEX ang mga negosyo sa turismo, mga tour operators, mga destination marketer, at mga mamimili mula sa ASEAN, kabilang ang Pilipinas, Thailand, Vietnam, Indonesia, Laos, Cambodia, Malaysia, Myanmar, at ang pinakabagong estadong miyembro ng regional bloc, ang Timor-Leste.
Kaugnay nito, ibinahagi ni Frasco ang tatalakayin ngayong araw na ito hinggil sa ASEAN Strategic Tourism Plan para sa nalalapit na ASEAN Tourism Ministerial Meetings 2026.
Aniya na layunin ng ASEAN Strategic Tourism Plan ay gabayan ang mga estadong miyembro para sa napapanatiling turismo sa rehiyon na kinabibilangan ng pagpapaunlad ng turismo na may katatagan, pagbibigay-kapangyarihan sa human capital na nakasentro sa mga tao, seamless accessibility at connectivity sa rehiyon,kabilang narin ang pagtataguyod ng ASEAN bilang isang tourism hub, digitalization ng mga produktong pangturismo, at marami pang iba.|With reports of Bombo Nathaniel Sandoval





