-- ADVERTISEMENT --

CEBU CITY- Malugod na tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro ang mga delegado sa mga kalapit bansa sa pagbubukas nga ASEAN Foreign Ministers’ (AMM) Retreat sa Nustar Hotel sa South Road Properties, Cebu City ngayong Huwebes, Enero 29, 2026

Ang AMM Retreat ay magsisilbing unang pagtitipon nga mga ASEAN Foreign Ministers sa ilalim ng chairship ng Pilipinas ngayong taon sa temang “Navigating Our Future, Together.”

Dito magsisilbing casual discussion nga mga opisyal nga rehiyon upang talakayin ang mga isyu at priyoridad ng asosasyon katulad nalang sa naunang mga naibalita na Code of Conduct sa disputed waters sa West PH Sea, ang resulta ng eleksyon sa bansang Myanmar, ang nangyaring kagulohan sa pagitan ng Thailand at Cambodia, at iba pa.

Ire-review din ng pagpupulong ang resulta (outcomes) mula noong 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia noong Oktubre 2025 sa diskusyon nila sa regional at global developments.|With reports of Bombo Ken Apor