-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos ni Cebu Provincial Governor Pamela “Pam” Baricuatro ang pag-realign ng Pasigarbo at Suroy-suroy funds sa Healthcare Programs ng Kapitolyo.

Ito ay bilang katuparan ng huling pangako ng gobernador sa kampanya, kung saan ang nakaraang administrasyon ni Dating Cebu Governor Gwendolyn Garcia ay naglaan ng milyun-milyong dolyar na badyet para sa kanyang mga programang pang-turismo—Pasigarbo at Suroy-suroy.

Gayunman, nilinaw ni Baricuatro na hindi niya mapipigilan ang pagtatanghal ng Pasigarbo at Suroy-suroy ngayong taon dahil naaprubahan na ang inilaan na pondo at sakop ng ordinansa ng Provincial Board.

Umaasa ang gobernador na handang sumama sa kanya ang bagong Cebu Provincial Board sa kanyang hangaring amyendahan o pawalang-bisa ang ordinansa sa paggastos ng kaban ng Kapitolyo sa Pasigarbo at Suroy-suroy.

Umaasa rin si Baricuatro na sa susunod na taon ay maisakatuparan ang kanyang mga plano katulad ng pagbuo ng Healthcare Programs at Provincial at District Hospitals na pinamamahalaan ng Kapitolyo sa iba’t ibang lugar sa Cebu na makapaglingkod sa mga taga-Cebu.

-- ADVERTISEMENT --