-- ADVERTISEMENT --

CENTRAL VISAYAS- Nagtala ang Central Visayas ng 0.2% inflation rate para sa Hunyo 2025, batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority – Region 7 (PSA-7), ang ikatlong pinakamababang inflation rate sa bansa ngayong buwan.

Ang rate na ito ay mas mababa kaysa sa 0.9 porsiyento na naitala noong Mayo 2025, at ang 4.8 porsiyento sa parehong buwan noong 2024.

Ayon kay PSA-7 Regional Director Wilma A. Perante, ang paghina ng inflation rate ay pinangunahan ng Housing, Water, Electricity, Gas, and Other Fuels, na nagkaroon ng 1.9 percent inflation.

Sumunod ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages, na nagtala ng -2.0 percent inflation, na kinabibilangan ng:

Cereals at Cereal Products: -13.8%

-- ADVERTISEMENT --

Vegetables at Tubers: -16.5%

Sa lalawigan ng Bohol, may naitalang makabuluhang pagbaba sa presyo ng mga sumusunod na produkto:

Bigas: -12.2%

Mais: -28.9%

Mga Gulay: -16.5%

Habang ang iba pang grupo na nag-ambag sa paghina ng inflation ay:

Furnishings, Household Equipment at Routine Household Maintenance: 5.2%

Mga Serbisyo sa Edukasyon: 5.3%, kung saan ang Tertiary Education ay nagtala ng 5.6%

Ayon kay Dir. Perante, hindi pa kasama sa kasalukuyang datos ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis sa loob ng dalawang linggo ng Hunyo, dahil natapos ang regular na 15 araw na monitoring sa mga establisyimento bago ang Misaka.

Inaasahan na ang epekto ay nakasentro sa ulat ng inflation sa Hulyo 2025.| With reports of Bombo Rocky Lavarez