-- ADVERTISEMENT --

CENTRAL VISAYAS- Pinangunahan ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pamamahagi ng Certificates of Land Ownership Award (CLOAs), Condonation Certificates, at iba pang suporta sa mahigit 4,000 benepisyaryo sa Cebu at Bohol na ginanap sa Mandaue City Sports and Cultural Complex araw ng Huwebes, Hulyo 10, 2025.

Ang mga benepisyaryo sa Cebu ay mula sa mga bayan at lungsod ng Toledo, Moalboal, Balamban, Bogo, Carmen, San Remigio, at Carcar City.

Habang sa Bohol ay mula sa Alicia, Carmen, Tagbilaran, Talibon, at Ubay.

Sa ceremonial turnover, isang traktor at isang multicab ang ipinamahagi sa mga komunidad ng Carmen at Toledo City sa Cebu.

Gagamitin ang traktor sa isang 50-ektaryang sakahan ng mais na nagkakahalaga ng ₱1.5 milyon.

-- ADVERTISEMENT --

Naipamahagi din ang 570 CLOAs at e-Titles sa 326 na benepisyaryo sa Cebu na sumasaklaw sa 642.52 ektarya, habang 239 na CLOA at e-Titles ang natanggap ng 159 na benepisyaryo sa Bohol na sumasakop sa 215.65 ektarya.

Mayroong 3,858 Certificates of Condonation with Release of Mortgages (COCROM) ang naibigay din sa 3,544 ARBs, na sumasakop sa 5,170.02 ektarya at nagkakahalaga ng ₱284.5 milyon.

Samantalang sa Bohol ay nasa 2,464 COCROM ang naibigay sa 1,741 benepisyaryo.

Ayon kay DAR Secretary Conrado M. Estrella III na mas mabilis na ngayon ang pamamahagi ng lupa, na may malaking pasasalamat kay PBBM sa kanilang tagumpay matapos ang maraming taong paghihintay.