CEBU CITY– Patay ang nagpakilalang hitman ng isang druglord sa Cebu matapos nitong sinugod ang opisina ng intel ng Danao City PNP at pinagbaril ng mga pulis.
Ang suspek ay kinilalang si Jerandy Montes at di umanoy hitman ng drug Lord na si ALvaro Barok Alvaro na nakakulong naman ngayon sa Cebu Provincial Deterntion and rehabilitation Center .
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Supt Jaime Quiocho, hepe ng Danao City PNP, na bago mangyari ang insidente ay pumunta muna ang suspect sa bagong police station ng lungsod pasado alas onse kagabi kung saan pinaghahanp nito sina SPO1 Renante Manulat, P03 Phil Restauro at P02 Mark Anthony Mata ngunit ng malaman na wala ang mga ito sa police station ay agad naman umano itong umalis.
Napagkamalan pa umano itong miyembro ng AFP dahil sa suot nitong uniform ng AFP.
Dahil sa kahinahinalang kinilos ng suspek ay naging alerto umano ang sakop ng Danao Police station sa posibilidad na bumalik ito ngunit ligid sa kanilang alkam ay sumugod pala ito sa lumang police station kung saan naroon ang opisina ng intel officers.
Sa tatlong pulis na kanyang hinahanap, tanging si PO3 Restauro lamang umano ang naroon kaninang madaling araw ng sinugud ito ng suspek. Nagtanong pa umano ng suspek ang mga ito kung may naalala ba sila tungkol sa nagyari noong nakaraang taon sabay baril sa mga naka-duty na pulis ngunit hindi natamaan ang mga ito.
Gumanti rin ang mga otoridad kung saan tatlong tama sa katawan ang natamo ng suspek. Sinubukan pa umano itong dalhin sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival.
Paghihiganti umano ang pakay ng suspek sa talong pulis na siyang tumugis noong sa kanya dahil siya ang tinuturong pumatay sa mag-asawang Jose at Anicia Manulat ngunit nakatakas lamang matapos nitong gawing human shield ang kanyang kinakasama.
Kinakatakutan din umano ang suspek sa kanilang lugar dahil sa di umanoy koneksyon nito sa druglord na si Barok.