-- ADVERTISEMENT --

CEBU– Aabot sa P13.9-M halaga ng ipinagbabawal na droga ang nasabat sa magkahiwalay na buybust operation sa Mambaling Police Station sa Sitio Puntod, Brgy. Mambaling syudad ng Cebu.

Nasamsam ng otoridad ang powdered shabu na tumitimbang ng 1,015 gramos na nagkakahalaga ng P6.9-M sa isang indibidwal na kinokonsiderang High Value Individual (HVI).

Kinilala ang nadakip na si Lyndon Bariñan, 22, may live-in partner, walang trabaho ngunit dating mangingisda at residente ng nasabing lugar.

Pinangunahan ni Police Major Dindo Alaras ng Mambaling Police Station ang buy bust operation na nagresulta sa pagkaka-aresto kay Bariñan.

Inamin ng suspek na 3 buwan na siya sa kanyang ilegal na negosyo ng shabu ngunit nang tanungin kung sino ang pinagkukuhanan ng ilegal na drug nagtikom bibig ito at sinabing handang harapin ang mga kasong isasampa laban sa kanya.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sa magkahiwalay na operasyon sa kaparehong lugar na isinagawa ng Regional Police Drug Enforcement Unit -7 (RPDEU-7) arestado ang isang babae na nakuhanan nang 1.030 kilo ng shabu na pinaniniwalaang nagkakahalaga ng P7-M.

Kinilala ang babae na si Marcelina Galang, 37, may asawa at umamin na pumasok lamang ito sa ilegal na aktibidad dahil sa hirap ng buhay.

Na-engganyo umano ito na pumasok sa nasabing negosyo saglit may kapalit na P20-K ang bawat isang kilo ng hinihinalang shabu.