-- ADVERTISEMENT --

CEBU CITY – Nasa kritikal na kalagayan pa rin hanggang ngayon ang isang pumpboy na binaril ng isang security guard dahil umanoy umutot ito sa isang gasoline station ng Sitio Kambarong Brgy. Maghaway Guindulman, Bohol.

Kinilala ang biktima na si Marvin Bala-uro 18 anyos,at residente ng Brgy. Talisay Anda Bohol habang ang suspect ay kinilalang si Jonathan Perucho , 29 anyos at residente ng Brgy. San Miguel Dagohoy ng nasabing bayan.

Ayon kay PCapt Jerry Leones ang hepe ng Guindolan PS na panay umano ang pag-utot ng biktima kaya sinita ng gwardiya na tigilan na.

Nagalit umano ang biktima at sinabing di dapat umasta na kung sino si Perucho dahil dayo lang umano ito sa lugar.

Dahil dito nagalit ang gwardiya at sinabing babarilin niya si Bala-uro.

-- ADVERTISEMENT --

Hinamon naman ni Bala-uro si Perucho na subukan siyang barilin kaya naman walang pag-aatubiling binaril ng gwardiya si Bala-uro gamit ang shotgun kung saan tinamaan ito sa dibdib.

Humihinga pa ang biktima nang madala sa pagamutan ngunit 50-50 ito ngayon dahil may balang dumikit sa atay nito.

Nakadetain na ngayon sa Guindolan Police Station ang suspect at ayon sa hepe na hindi umano nagsisisi sa kanyang nagawa.