-- ADVERTISEMENT --

‎CEBU CITY- Pinangunahan ni Tourism Secretary Maria Christina Frasco ang pagtatampok ng Pilipinas sa ASEAN Tourism Forum, na naglalayong palakasin ang matatag, inklusibo, at iba’t ibang anyo ng turismo sa bansa.

‎Binigyang-diin ni Frasco ang epekto ng mga kalamidad sa Cebu at kung paano pinapalakas ng gobyerno ang mga destinasyon sa pamamagitan ng eco-tourism, kasabay ng pagprotekta sa kabuhayan ng 16.4 milyong manggagawa sa sektor ng turismo.

‎Mahalaga rin ang skills training, kung saan mahigit 444,000 Pilipino ang sinanay noong 2022 sa tour guiding, hospitality, at iba pang serbisyong pang-turismo.

‎Ibinahagi rin niya ang mga hakbang para mapabuti ang konektividad sa rehiyon, kabilang ang visa-free travel mula India, China, at Taiwan, at bagong international flights papuntang ASEAN countries.

‎Sentro rin ng plano ang diversification sa turismo sa pamamagitan ng PHIL. Experience Program, na nagpo-promote ng kultura, kalikasan, at lokal na pagkain, habang sustainability ang gabay sa lahat ng proyekto sa turismo. | With reports of Bombo Crisle Adlawan