CEBU CITY- Ipinahayag ng Bansang Singapore ang kanilang supporta sa ASEANTourism Sectoral Plan 2026-2030.
Naging bahagi rin ang bansa sa ginawang ASEAN Tourism Conference ngayong araw dito sa Cebu, kung saan nilagdaan ng mga kasapi ang pagpapatibay nang ugnayan ng labing-isang (11) member states ng asosasyon.
Ang Sectoral Plan 2026-2030 ay isang road map na layong gawing pandaigdigang lider ang ASEAN sa dekalidad, mataas ang halaga, at sustainable na turismo para sa taong 2030.
Binigyang-diin ni H.E. Alvin Tan, ang Minister of State and Industry sa bansang Singapore na ang “connectivity” ang pangunahing susi upang maging epektibo ang plano—kabilang ang air connectivity, sea connectivity, at pinagsamang marketing—upang mas mapalakas ang paggalaw ng mga turista sa loob ng rehiyon.
Kahit na itinuturing na pinakamaliit na bansa sa ASEAN ang Singapore, sapagkat binigyang prayoridad ang pagpapalawak ng koneksyon upang hikayatin ang mga turista na hindi lamang bumisita sa isang bansa, kundi maglakbay sa iba’t ibang bahagi rin ng ASEAN.
Sinabi ni Tan na sa air travel, ang mga biyahe ng Filipino Airline na Cebu Pacific ay umaabot mula 59 hanggang 62 flights sa rutang Singapore to Cebu Vice-Versa.
Samantala, isinusulong din ang sea connectivity sa pamamagitan ng mga makabagong sasakyang-dagat na inihalintulad sa modernong balangay.
Malaki rin ang pamumuhunan ng Singapore sa imprastraktura, kabilang ang pagtatayo ng bagong terminal na inaasahang magpapalakas pa ang travel spending na aabot sa $440-million.//
Ayon sa pagtataya, maaari itong magresulta sa 144 -milyong pagtaas ng mga biyahero, o katumbas ng 33 porsiyentong paglago ng turismo sa rehiyon.
Inanunsyo rin na ang Singapore ang susunod na host ng ASEAN Summit sa 2027, at ito rin ang mangunguna sa ASEAN Tourism Forum Meeting sa susunod na taon.
Sa kabuuan, iginiit ng Singapore na ang matibay na koneksyon at sama-samang promosyon ang magiging daan upang makilala ang ASEAN bilang iisang world-class tourism destination.|With reports of Bombo Rocky Lavarez










