-- ADVERTISEMENT --

Ikinagulat ng isang buntis na teenager ang nakitang nitong mukha ng ‘Alien’ sa kanyang ultrasound.

Si Sophie Scott ,16 anyos ay nagpa-ultrasound kasama ang kanyang kasintahan na si Stephen Roberts, 24 anyos para malaman kung ano ang gender ng kanilang baby.

Ngunit sa isinagawang ultrasound, biglang napansin ni Roberts na merong parang ulo ng ‘alien’ sa monitor ng ultrasound equipment.

Alien Ultrasound result.

Ayon naman kay Sophie na meron siyang ex-boyfriend na naniniwala sa mga ‘alien’ at baka isinumpa sila nito. Natakot din si Sophie na baka kainin ang kanyang anak ng di-umanoy alien.

Ngunit natawa nalang ang dalawa pero hindi pa rin umano maiwasan nitong mabahala lalo na’t wala umano ni kahit sino ang makapagpaliwanag sa kanila kung ano ang kanilang nakita.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbiro pa si Sophie ng malamang baby girl ang kanilang anak na sana ay hindi ito lalabas sa halloween.