-- ADVERTISEMENT --

CEBU CITY – Kinumpirma ng mga pulis na gawa-gawa lang ng 21-anyos na babae ang umano’y pag-abduct sa kanya.

Ayon kay Police Chief Inspector Jacinto Mandal, hepe ng Carbon Police Station, inamin mismo ng babae na kaya siya nagsinungaling ay dahil nakadispalko ito ng pera na ibabayad sana sa libro sa kanilang klase.

Dagdag pa nito pa na namomroblema umano ito kung paano niya babayaran ang P4,000 na nagamit nito.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na walang katotohanan na mayroong mga foreigner na tumangay sa kanya, pati na rin ang plate number na diumano’y sinakyan nila na napag-alaman na pagmamay-ari ng isang babae sa Caloocan.

Dagdag ng mga pulis na mismong ang babae ang nagtali sa kanyang mga kamay gamit ang wire ng charger.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, ay humingi ng tawad ang babae sa mga pulis at sa publiko na naperwisyo nito sa kanyang ginawa.