-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ngayon ng Pari-an Police station sa pagbaril patay sa dating konsehal ng Brgy. Lorega lungsod ng Cebu na diumanoy napabilang sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Senior Inspector Knneth Albotra, galing umano sa lamay ang biktimang si Glenmark Manal, 37 taong gulang ng pagbabarilin ito ng mga suspoek na sakay sa motorsiko.

Dagdag pa ni Albotra na habang nasa lamay ng kapitbahay nitong si Ras Aquino, may namataan na umano ang biktima na mga kahinahinalang tao ngunit hindi umano nito alam na siya ang pakay ng mga ito. Malaki umano ang posibilidad na iisa lang ang suspek na pumatay kina Manal at Aquino.

Angulong may kaugnayan sa iligal na droga at pulitika ang sinusundan ngayon ng PNP sa nasabing kaso.