-- ADVERTISEMENT --

Nagsalita na ang content creator na si Elias, na kilala sa kanyang iconic expression na “Ohahay”, patungkol sa mga paratang ng isang diumano’y affair na kinasasangkutan ng kanyang talent manager, na si Ma’am Beverly.

Sa isang taos-puso at emosyonal na pahayag na ipinost sa social media, sinagot ni Elias ang mga tsismis, at sinabing walang katotohanan ang mga akusasyon, lalo na ngayong naaapektuhan ang kanyang pamilya at live-in partner na si Abegail Cariquitan.

Binigyang-diin ni Ohahay na ang kanyang journey sa pag-cocontent ay palagi niyang ibinabahagi kay Abegail – mula nang magsimula palang sila hanggang sa unti-unti na silang nagtatagumpay.

Ayon kay Elias na wala siyang ibang pangarap kundi ang umunlad ang buhay ng kanyang pamilya, si Abegail at ang kanilang anak na si Apollo.

Gayunpaman, sa kabila nito, ang mainit na palitan ng mga post nina Beverly (Manager) at Abegail (live-in partner) ay umani ng malawakang atensyon online, lalo na ang pahayag ni Beverly na “walang karapatang magselos kung walang marriage certificate.”

-- ADVERTISEMENT --

Samtanlana, binuking naman agad ni Abegail ang latest post ni Elias na nagda-date ito.

Ngunit puna ni Abby na throwback ang post at naglagay pa ito ng screenshot na may time stamp para makita kung kailan kinunan ang video at larawan.

kaya naman mapapasabi kanalang talaga na, Ohahay!