-- ADVERTISEMENT --

CEBU CITY – Patay ang tatlong pasyente ng drug rehabilitation habang nakaligtas naman ang isa pa nitong kasamahan matapos pagtatagain ng kasama rin nitong pasyente sa nirentahang apartment sa Barangay Cansojong, lungsod ng Talisay, probinsya ng Cebu.

Kinilala ang mga namatay na sina si Thomas, Woodruff, 24; Ervyn Ian Enilo, 28 at si Archie bastillas, 28.

Ayon kay Police Supt. Marlou Conag, ang hepe sa Talisay Police Station, natutulog na umano ang mga biktima nang biglang pagtatagain ni Archie ang kanyang mga kasama.

Napag-alamang nagkaroon ng pagtatalo ang apat tungkol sa napagkasunduan nitong oras ng curfew na alas-10:00 ng gabi, bagay na hindi sinang-ayunan ng suspek.

Isa rin umano sa na nag-trigger ng suspek na pumatay ay ang umano’y pagkabigong uminom ng gamot.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos pagtatagain ng suspek ang kanyang mga kasamahan, nagpakamatay din agad ito sa pamamagitan ng paglaslas sa kaliwang pulso sa habang bitbit ang isang rosaryo.

Dagdag pa ni Conag na ang mga biktima ay nagmula sa iba’t ibang rehabilitation center at umano’y nadesisyunan na magself-medication na lang at magsama sa iisang apartment.

Sa ngayon ay patuloy pang nagpapagaling ang nakaligtas na si Lendon na nagtamo ng maraming sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.